1. Mainam daw na ibilad sa araw ang bagong silang na sanggol, dahil "may vitamin D" daw ang umagang sinag ng araw. May katutuhanan ito pero hindi ang araw ang may vitamin D.
2. Noong araw sa aming probinsiya, nakikita ko ang ilang matatanda na ang baterya ng kanilang transistor ay ibinibilad nila sa tirik na sikat ng araw sa tanghali. Ito raw ay para ma-recharge ang baterya. Okay fine, hindi pa uso nun ang rechargeable batteries, at puro Eveready pa nun. ;)
3. Sa probinsiya ulit, na huli kong nakita sa Cagayan at Isabela nung isang taon, ay ibinibilad ang palay sa national highway! Na kalahati ng kalsada ay sakop nila. Para daw mas madaling matuyo ang palay.
4. Wag daw maglalaro sa init ng araw, lalo na sa tanghali, at kukutuhin ka daw. Hayz, mga lola, hindi nyo ba alam na ang mga kalaro ng mga apo nyo ay may mga kuto na, kaya maski gabi sila mag Chinese garter at tumbang preso (meron pa ba nitong naglalaro?!) ay magkakakuto sila. Grrrr.....
5. Eto tutoo, pag may solar eclipse wag kang diretsong titingin sa araw at nakakasira ng mata. E maski naman walang eclipse e hindi ka rin makakatingin ng diretso sa araw, di ba?
6. Ang bungang araw ba ay bunga talaga ng araw?
7. Natatawa ako dati sa mga kakilala ko na nag pa-facial, takot na takot sa araw. Para silang aswang at bampira na ayaw na ayaw sa sikat ng araw. Tulad sa pelikula na matutunaw o mag-aapoy sila pag nadilaan ng araw ang mga balat at mukha nila. Pero wag ka, pagkatapos ng ilang araw e puro tagiyawat at pula pa rin ang mga mukha.
8. Eto classic, na ngayon ay may patalastas na sa TV. Pag daw umaaraw at umuulan ay may ikinakasal na tikbalang. Bata pa ako kasabihan na ito sa amin.
No comments:
Post a Comment